Pagtulong sa mga Taong may Limitadong Kaalaman sa Ingles
Noong Agosto 11, 2000, nilagdaan ni Presidente Clinton ang Executive Order 13166 na pinangalanang, “Improving Access to Services for Persons with Limited English Proficiency. (Pagpapahusay ng Access sa Mga Serbisyo para sa Mga Taong May Limitadong Kaalaman sa wikang Ingles).” Hinihiling sa ilalim ng Executive Order mula sa mga Pederal na ahesnay na suriin ang mga serbisyo na ipinagkakaloob nila, kilalanin ang anumang pangangailangan para sa mga serbisyo para doon sa may mga limited English proficiency (LEP) o limitadong kaalaman sa Ingles, at makapag-develpo at magpatupad ng isang system para maipagkaloob ang mga serbisyong iyon para ang mga LEP na tao ay magkaroon ng makabuluhang access sa mga ito. Hinihiling rin sa ilalim ng Executive Order na ang mga Pederal na ahensya ay magtrabaho upang matiyak na ang mga tumatanggap ng Pederal na pinansiyal na tulong ay nagkakaloob ng makabuluhang access sa kanilang mga aplikante at mga beneficiary ng LEP.
Bilang pagsunod sa Executive Order 13166, ang EPA ay may pamamahala sa:
- pagbabalangkas ng patnubay sa Title VI para maitakda ang pangkalahatang balangkas para sa mga tumatanggap ng pinansiyal na tulong ng EPA para magamit sa pagde-develop ng mga patnubay, upang makapagkaloob ng makabuluhang access sa mga taong may LEP na kalahok sa kanilang mga programa at aktibidad; at
- pagbabalangkas at pagpapatupad ng internal na plano ng Ahensya ng LEP kung saan ang mga taong may LEP ay magkaroon ng makabuluhan na access sa mga programa ng EPA.
Noong Hunyo 25, 2004, ang Office of Civil Rights ng EPA (kilala ngayon bilang External Civil Rights Office (ECRCO) ay nagpalabas ng Policy Guidance Document na pinangalanang, "Guidance to Environmental Protection Agency Financial Assistance Recipients Regarding Title VI Prohibition Against National Origin Discrimination Affecting Limited English Proficient Persons (Gabay sa Mga Tumatanggap ng Pinansiyal na Tulong mula sa Environmental Protection Agency Hinggil sa Title VI na Ipinagbabawal ang Diskriminasyon batay sa Pinagmulang Bansa na Makaka-apekto sa Mga Taong May Limitadong Kaalaman sa Ingles” para sa pampublikong pagbibigay ng komento.
Noong Pebrero 23, 2017, ipinalabas ng ECRCO ang na-update na Order 100.32 ng EPA “Compliance with Executive Order 13166: Improving Access to Services for Persons with Limited English Proficiency (Pagsunod sa Executive Order 13166: Pagpapahusay ng Access sa Mga Serbisyo para sa Mga Taong may Limitadong Kaalaman sa Ingles).” Ibinabalangkas sa Order ang mga kinakailangang hakbang na kailangang gawin ng Ahensya para makapagkaloob ng makabuluhang access sa mga taong may limitadong kaalaman sa wikang Ingles.
Gabay at Mga Materyal para sa EPA at sa mga Tumatanggap nito
- Executive Order 13166 -- "Improving Access to Services for Persons with Limited English Proficiency" (PDF) (English)
- EPA Order 1000.32, "Compliance with Executive Order 13166: Improving Access to Services to Persons with Limited English Proficiency" (PDF) (English)
- "Guidance to Environmental Protection Agency Financial Assistance Recipients Regarding Title VI Prohibition Against National Origin Discrimination Affecting Limited English Proficient Persons" tulad nang inilathala sa Federal Register noong Hunyo 25, 2004. (English)
- LEP.gov -- a federal interagency website nagkakaloob ng patnubay at may link na impormasyon, mga tool, at teknikal na tulong hinggil sa limited English proficiency at access sa wika para sa mga pederal na ahensya, sa mga tumatanggap ng pederal na pondo, mga gumagamit ng pederal na programa at mga programang pederal na tinutulungan, at iba pa. (English)